HIGIT LIMANG DAANG MGA DAGUPEO, BENEPISYARYO NG PROGRAMANG TUPAD AT SLP

Nasa higit limang daang mga residente sa lungsod ng Dagupan ang kwalipikadong benepisyaryo ng mga programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantage Workers (TUPAD) at Sustainable Livelihood Program o SLP.
Nauna nang sumailalim sa profiling ang 426 na kinabibilangan ng mga mangingisda, fish vendors at guava farmers ng lungsod bilang beripikasyon para sa programang TUPAD habang natanggap na ng 115 na mga SLP beneficiaries ang kanilang tulong pinansyal laan para sa pamumuhunan sa uumpisahang negosyo.
Nasa kabuuang apat na libo ang halagang matatanggap ng mga TUPAD beneficiaries kapalit ng sampung araw na community service samantalang, labinlimang libong piso naman para sa seed capital ng mga tumanggap sa ilalim ng programang SLP.

Kabilang naman sa prayoridad ng mga nasabing programa ay ang mga mga solo parents, tricycle drivers, senior citizens at persons with disabilities.
Samantala, patuloy na umaarangkada ang mga programang ito para maitaguyod ang mga kapakanan ng mga Dagupeñong higit nangangailangan ng tulong. |ifmnews
Facebook Comments