Higit limang dekadang panggugulo ng NPA, sobra na – Lorenzana

Nanawagan ang Department of National Defense (DND) na tapusin na ang ilang taong terorismo at panggugulo.

Ito ay kasabay ng 52nd founding anniversary ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, sobra na ang higit limang dekadang terorismo at panggugulo.


Nararapat lamang aniya na ibigay sa susunod na henerasyon ng mga Pilipino ang kapayapaan at kaunlaran.

Pagsira sa ari-arian, pagpapalaganap ng kasinungalingan at pag-udyok ng karahasan ang tanging maipagmamalaki ng mga rebeldeng komunista.

Pagtitiyak din ng kalihim na hindi ititigil ang operasyon laban sa NPA rebels.

Sa kabila nito, malugod na tatanggapin ng pamahalaan ang sinumang rebeldeng susuko sa pamahalaan.

Facebook Comments