Dumating na ang aabot sa higit limang libong replacement plates o mga plaka ng sasakyan sa tanggapan ng Land Transportation Office – Dagupan District Office.
Diumano, ito ay nagmula pa o naipon noong taong 2015 bilang replacement.
Ayon kay LTO Dagupan Chief Romel Dawaton, matagal na umano ang ilang plaka sa kanilang tanggapan kung saan magtutuloy tuloy ang pagdating pa ng karagdagang plaka.
Noong 2014, ipinag-utos ng LTO na palitan ang disenyo ng mga 4-wheel vehicles at iayon sa bagong disenyo na nakailalim sa motor vehicle license plate standardization program.
Puspusan naman ang pakikipag-ugnayan ng LTO sa mga may-ari nito upang agad na maikabit sa kanilang mga sasakyan.
Panawagan ng ahensya sa mga may-ari na iclaim ito sa kanilang opisina sa Brgy. Bonuan Binloc. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









