Higit Milyong halaga naabo sa sunog sa Parang Maguindanao

Tinatayang lagpas 1.5 Million Pesos ang naabo sa nagyaring sunog sa Brgy. Making Parang Maguindanao pasado alas dyes kahapon ng umaga.
Malaki ang posibildad na may kinalaman sa kuryente ang dahilan ng insidente resulta ng pagkakasunog ng 10 kabahayan sa initial investigation ng BFP ayon pa kay BFP ARMM Spokesperson FSIns Ronald Ampang.
Naisugod naman sa ospital ang isang bumbero matapos aksidenteng mahulog mula sa bubong habang nag aapula ng apoy.
Ito na ang ikatlong fire incident na naitala sa ARMM kasabay ng Fire Awareness Month.
Patuloy naman ang apela ng BFP ARMM na maging maingat lalo na ngayong panahon ng tag init .
BFP ARMM Pic

Facebook Comments