Higit na pagiging alerto at handa laban sa dengue, iginiit ng isang senador sa LGUs at mga komunidad

Iginiit ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go sa Local Government Units (LGUs) sa mga eskwelahan at sa bawat komunidad na pag-ibayuhin ang pagiging alerto at paghahanda laban sa dengue.

Pahayag ito ni Go sa harap ng biglaang pagtaas ng kaso ng dengue sa ilang probinsya sa Visayas at Mindanao.

Sabi ni Go, dapat gawin ang kailangang mga hakbang para mapigilan ang posibleng outbreak o pagkalat ng mga sakit tuwing tag-ulan tulad ng dengue habang nanatili pa rin ang COVID-19 pandemic.


Payo ni Go sa lahat, mag-ingat, panatiling malinis ang tahanan at kapaligiran, huwag mag-iwan ng naiipong tubig na maaring pamahayaan ng lamok na nagdadala ng dengue at iba pang sakit.

Kasabay nito ay pinapatiyak din ni Go sa gobyerno ang kahandaan ng mga ospital para tanggapin at gamutin ang mga nagkakasakit nating kababayan.

Binanggit ni Go na palagi ring bukas ang 151 Malasakit Centers sa buong bansa para sa mga nangangailangan ng financial at medical assistance.

Facebook Comments