Higit na pamumuhunan sa women’s sports, panawagan ng isang kongresista

Nanawagan si House Assistant Minority Leader at Bagong Henerasyon Party-list Rep. Robert Nazal sa pamahalaan at pribadong sektor na paigtingin ang pamumuhunan sa women’s sports at sa mga programang makatutulong sa pag-unlad ng mga babaeng atleta.

Mensahe ito ni Nazal kasunod ng mga tagumpay na inaani ng mga Pinay athlete sa Southeast Asian Games, kabilang ang makasaysayang pagkakamit ng women’s football team ng kauna-unahang gold medal ng bansa sa SEA Games.

Diin ni Nazal, patunay ang mga tagumpay na ito sa husay at kakayahan ng kababaihan sa larangan ng palakasan, lalo na kung nabibigyan sila ng sapat na tiwala, suporta, at oportunidad.

Iginiit pa ng mambabatas na ang pagpapalakas sa sektor ng kababaihan ay malaking ambag sa pag-unlad ng bansa, dahil sa taglay nilang disiplina, tapang, at pagkakaisa.

Facebook Comments