Higit na tulong at suporta sa mga magsasaka, inihirit ni Sen. Marcos sa DA

Kinalampag ni Committee on Economic Affairs Chairperson Senator Imee Marcos ang Department of Agriculture o DA para bigyan ng mas maraming drying machines ang mga magsasaka.

Giit ni Marcos, dapat ay magtalaga rin ng mga storage facilities para maiwasang masayang ang napakaraming ani kahit panahon ng tag-ulan.

Hiling din ni Marcos na pahintulutan ang mga magsasaka na makapagbenta ng tuyong palay sa tamang presyo.


Ang kawalan ng drying machine at storage facilities kasi ang nakikitang pangunahing dahilan ni Senador Marcos kaya bumagsak at palugi ang bentahan ng palay ng mga magsasaka, dagdag pa ang maulang panahon ng anihan ngayong Oktubre.

Bukod dito ay isinusulong din ni Marcos na huwag isabay ang importasyon ng mga bigas sa panahon ng anihan o sa Marso hanggang Abril at Setyembre hanggang Oktubre.

Facebook Comments