Arestado ang isang empleyado habang pinaghahanap pa ang kasamahan nito matapos pagnakawan ang pinagtatrabahuang gasolinahan sa Brgy. Balaleng, Bantay, Ilocos Sur.
Ang mga suspek ay pawang cashier ng gasolinahan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman ng may-ari na nawawala ang kita matapos magsagawa ng audit noong January 6 kung saan nawawala ang ang P19, 841 na kita.
Ngunit nang tingnan ang kabuuang kita mula Oktubre 2024, napag-alaman na nasa P1, 101,419.95 ang nawawala sa quarter sales ng gasolinahan.
Agad umamin ang isa sa mga suspek habang patuloy na pinaghahanap ang isa pang kasamahan nito.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya ukol sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments