Umabot sa P1,370,880 kabuuang halaga ng shabu ang nasabat ng awtoridad sa Pangasinan sa loob lamang ng isang linggong operasyon.
Nasamsam ang illegal na droga sa siyam na katao sa isinagawang pitong operasyon ng Pangasinan Police Provincial Office mula April 6 hanggang April 12.
Arestado rin ang anim na katao matapos mahulihan ng tatlong loose firearms habang umiiral ang election gun ban.
Nauna nang inihayag ng Pangasinan Police Provincial Police Office ang pinaigting na checkpoint at operasyon sa kasagsagan ng semana santa at nagpapatuloy na election period.
Tiniyak din ng tanggapan ang dobleng deployment ng mga personnel sa mga terminal at pook pasyalan upang mapanatili ang kaayusan sa buong lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments