Umabot sa mahigit P1, 500, 000 ang halaga ng nasabat na hinihinalang shabu ng awtoridad sa Ilocos Region nitong Agosto 31 hanggang Setyembre 1, sa kasalukuyang taon.
Sa Pangasinan, nakumpiska mula sa pagmamay-ari ng isang indibidwal sa Dagupan City ang nasa 185 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng PhP1,258,000.00.
Isang street-level individual naman mula sa Urdaneta City, Pangasinan ang nahulihan ng 15 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng PhP 102,000.00.
Nasamsam din sa isang 23 anyos na indibidwal sa pangunguna ng kapulisan mula sa San Fernando City, La Union, ang 22 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng PhP 149,600.00.
Patuloy pang pinaiigting ng Police Regional Office 1 ang kampanya kontra iligal na droga sa rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









