Umabot na sa mahigit PHP1 bilyon ang partial consolidated damage sa sektor ng agrikultura sa Pangasinan matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Uwan, ayon sa pinakahuling ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Batay sa report, kabilang sa pinsala ang PHP102.3 milyon sa palay, PHP605.5 milyon sa fishery, PHP561.6 milyon sa high-value crops, at PHP37.2 milyon sa mais.
Apektado rito ang 13,232 na magsasaka at mangingisda.
Naitala rin ang PHP224.5 milyon na pinsala sa livestock at PHP176.5 milyon sa imprastraktura.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, tumanggap na ito ng PHP50 milyon mula sa national government para sa rehabilitasyon at agarang pangangailangan ng mga residente.
Ipinrisinta rin sa nakaraang pagdalaw ng mga opisyal ng gabinete ang pangangailangan sa binhi, punla, fingerlings, at iba pang kagamitan sa pangingisda, maging ang kahilingan para sa cash assistance.
Kabuuang 345,673 pamilya, o 1.17 milyong indibidwal sa 42 bayan at apat na lungsod, ang naapektuhan kaya’t idineklara ang state of calamity.
Nauna na rin tiniyak ng Pamahalaang Panlalawigan na walang naitalang casualty dahil mapaminsalang bagyo. 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









