Zamboanga del Sur – Aabot sa higit isang milyong pisong cash ang narekober ng mga miyembro ng 1st Infantry (TABAK) Division na nakasilid sa loob ng isang paper bag sa Barangay Dapiwak, Dumingag, Zamboanga del Sur.
Ito ay hinihinalang gagamitin para makapambili ng boto ngayong eleksyon.
Ayon kay 97th Infantry (KALASAG-LAHI) Battalion Commanding Officer, Lt/Col. Rufino de Leon – nagsasagawa ng security patrol ang kanilang mga tauhan nang makatanggap ng impormasyon mula sa mga concerned citizen sa presensya ng kahina-hinalang indibidwal na namimili ng boto at hina-harass ang mga residente.
Natagpuan nila ang pera na pinaniniwaalang naiwan ng mga grupo sa isang abandonadong bahay.
Facebook Comments