Higit P1 Milyon na Halaga ng Boarding House, Nasunog!

Cauayan City, Isabela- Tinupok ng apoy ang isang boarding house sa Brgy. Centro 2, Sanchez Mira, Cagayan.

Dakong alas 1:58 ng hapon, Marso 4, 2020 nang masunog ang pinapaupahang bahay na pagmamay-ari ni Glenn Macalma, 49 anyos, may-asawa na residente ng nasabing lugar.

Ayon sa mga boarders, agad silang lumabas sa kanilang kwarto matapos makaamoy ng sunog hanggang sa makita na nasusunog na ang mga kalapit na kwarto.


Agad na humingi ng saklolo ang mga boarders at narinig naman ng kanilang barangay Chairman na kasalukuyang nagpapahinga sa kanyang bahay at inireport sa Fire Station.

Lumabas sa imbestigasyon ng BFP Sanchez Mira na nagsimula ang sunog sa isang kwarto matapos mag-spark ang naka-unplugged na gadget nang bumalik ang supply ng kuryente matapos ang brownout.

Tumagal ng mahigit dalawang oras bago maideklarang fire out na ang sunog.

Tinatayang nasa higit kumulang Php1,200,000.00 ang halaga ng pinsala ng sunog habang wala namang naitalang nasaktan o nasugatan sa nangyaring insidente.

Facebook Comments