Higit P1 milyong halaga ng Tanim na Marijuana, Sinira

21

Cauayan City, Isabela- Nakatanggap umano ng impormasyon ang mga kasapi ng Tinglayan Municipal Police Station kung saan sinasabing may marijuana plantation at mayroon ding armado ng baril habang nagsasagawa ng pagpapatrolya sa Butbut Proper, Tinglayan, Kalinga.

Agad na nagtungo sa lugar ang mga awtoridad na nasa 5-kilometro ang layo mula sa lugar kung saan nagsasagawa ng pag-iikot ang mga kasapi ng pulisya.


Ayon sa police report, natagpuan ang nasa dalawang (2) plantation sites kung saan nasa higit P1 milyon ang halaga ng marijuana na pinagsisira na umabot sa 7,400 fully grown marijuana plants na may sukat na 2,200 square meters.

Samantala, nagsasagawa naman ng kaukulang imbestigasyon ang mga awtoridad para sa posibleng pagtukoy sa nasa likod ng malawak na taniman ng iligal na marijuana.

Facebook Comments