Higit P1 Milyong Marijuana, Sinira sa Kalinga

26

Cauayan City Isabela- Sinira ng mga otoridad ang mahigit P1 milyong halaga ng tanim na marijuana sa Barangay Buscalan, Tinglayan, Kalinga nitong Martes, Disyembre 14, 2021.
Sa ilalim ng KPOP OPLAN 25 BHANG BURN, pinangunahan ng pinagsanib na pwersa ng Kalinga PDEU/ PIU ng Kalinga PPO kasama ang Tinglayan MPS 1st at 2nd PMFC,PDEA Kalinga.

Una rito, nadiskubre ang tatlong (3) plantasyon ng marijuana sa bulubunduking bahagi ng Barangay Buscalan.

Nagresulta ng pagsira at pagsunog sa 5,500 piraso ng pananim na marijuana na nagkakahalaga ng P1,100,000.00 mula sa 600 square meters na sukat ng lupain ang nasabing operasyon.


Samantala, walang naarestong magsasaka sa nasabing operasyon ng mga otoridad.

Umapela naman sa publiko si PCOL Davy Vicente Limmong, Provincial Director ng PNP Kalinga na itigil na ang pagtatanim ng Marijuana at maiging suportahan ang gobyerno laban sa illegal na droga.

Facebook Comments