HIGIT P100,000 HALAGA NG ILIGAL NA DROGA, NASAMSAM SA BAGUIO CITY

Kabuuang P119,000 halaga ng hinihinalang shabu at ecstacy ang nasabat ng Baguio City Police mula sa limang indibidwal, noong ika-6 ng Oktubre taong kasalukuyan.

Batay sa ulat ng pulisya, kinilala ang mga naarestong suspek na sina Mimbla Sabado Domingo, 58-taong gulang; Michael Bryan Sabado Domingo, 36-taong gulang; Kim Herreria Sabado, 31-taong gulang; Aira Sabado Domingo, 23-taong gulang; Joana Marie Cortez Mendoza, 32-taong gulang, pawang mga residente ng Cabinet Hill-Teachers Camp, Baguio City.

Nadiskubre ang mga illegal na droga sa tahanan ng mga nasabing indibidwal sa bisa ng search warrant.

Sa paghahalughog ng mga operatiba ay nadiskubre mula sa pag-iingat ng mga suspek ang sampung (10) piraso ng sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng nasa 15 gramo at nagkakahalaga ng nasa P102,000.00.

Kabilang sa nadiskubre ay ang sampung (10) piraso ng hinihinalang ecstasy tablet na tinatayang nasa P17,000 ang kabuuang halaga at ilang mga drug paraphernalia.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

Facebook Comments