HIGIT P1,000,000 NA HALAGA NG HONORARIA, IPINAGKALOOB SA MGA CAGAYANO

Nasa P1,188,000 na halaga ng honoraria ang naipamahagi sa pamamagitan ng “Oplan Tulong sa Barangay” ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan (PGC).

Naipamahagi ang nasabing halaga ng honoraria sa mga barangay foot soldier na kinabibilangan ng Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars, Day Care Workers, at mga Barangay Tanod sa bayan ng Claveria, Allacapan, Enrile, at Iguig, ngayong buwan ng Setyembre.

Nauna na ang pagbibigay ng P1,000 na ayuda para sa 3 libong residente mula sa bayan ng Alcala na apektado ng Covid-19 sa lalawigan.

Samantala, simula naman noong nakaraang Sabado, Setyembre-24 hanggang Setyembre-26 ay natanggap na ng mga benepisyaryo ng “Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers” o TUPAD mula sa mga bayan ng Alcala, Amulung, Aparri, Camalaniugan, Enrile, Piat, Rizal, Sta. Teresita, at Sto. Nino ang kanilang mga sahod na may kabuuang halaga na P12,588,000.

Ang mga self-employed, direct hire o occasional workers, house helpers, transport drivers, small enterprise operators, home workers, sub-minimum wage earners, magsasaka at mangingisda ay nakatanggap din ng sahod na P4,000 bawat isa.

Magpapatuloy parin umano ang paghahatid ng tulong pinansyal para sa mga nalalabing bayan sa mga susunod na araw.

Facebook Comments