CAUAYAN CITY- Napakasamay ng mga otoridad ang isang lalaki matapos masamsaman ng iligal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng humigit kumulang P102,000 sa lungsod ng Tuguegarao.
Kinilala ang suspek na si alyas “Andy”, 27-anyos, at residente ng Barangay Centro 10, Tuguegarao City, Cagayan.
Naaresto ang suspek matapos masilbihan ng search warrant ng mga otoridad kung saan narekober sa kanyang pag-iingat ang tatlong (3) pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 15 gramo.
Dinala si alyas Andy sa himpilan ng kinauukulan maging ang mga nakumpiskang ebidensya sa himpilan ng kinauukulan para sa kaukulang dokumentasyon.
Facebook Comments