Higit P11-M halaga ng shabu, nasabat sa Cebu City

Photo Courtesy: Romeo Marantal

Nakumpiska ang higit 11.3 million pesos na halaga ng shabu mula sa isang habal-habal driver sa ikinasang buy-bust operation sa Cebu City kagabi.

Kinilala ang suspek na si Richard “Butong” Barbosa, 23-anyos.

Nagkasa ng operasyon ang Mambaling Police Station sa bahay ng suspek sa Sitio Bayutan sa Barangay Duljo-Fatima.


Ito ay sa harap lamang ng compound ng Central Visayas’ suspected biggest drug lord Jeffrey ‘Jaguar’ Diaz na napatay noong 2016.

Nabawi sa kamay ng suspek ang 1.76 kilogram ng shabu na nagkakahalaga ng 11,390,000 pesos.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments