Higit P11 na rollback sa diesel, kasado na bukas!

Kasado na ang bigtime rollback sa mga produktong petrolyo bukas!

Epektibo alas 12:01 mamayang hatinggabi, magpapatupad ng P11.45 na tapyas-presyo sa diesel ang kompanyang Caltex; P5.45 sa gasolina at P8.55 sa kerosene.

Kaparehong bawas-presyo rin ang ipatutupad ng Seaoil, Shell at Petro Gazz epektibo naman alas-6:00 ng umaga bukas.


Ito ang unang beses na magpapatupad ng rollback ang mga kompanya ng langis matapos ang 11 sunod-sunod na linggong oil price hike.

Facebook Comments