HIGIT P12-M HALAGA NG SCHOOL BUILDINGS, PINASINAYAAN

CAUAYAN CITY- Matagumpay ang isinagawang turn-over ng Department of Public Works and Highways-Isabela 3rd District Engineering Office sa bagong tayong school buildings sa Reina Mercedes, Isabela.

Ang mga ito ay ipinasakamay sa dalawang Elementary School sa nasabing bayan.

Kabilang rito ang Santor Elementary School at Dangan Elementary School na napatayuan ng one-storey school building na may dalawang silid-aralan na nagkakahalaga ng 6.4 milyong piso bawat gusali.


Nagsimula ang konstruksyon sa nasabing proyekto buwan ng Setyembre taong 2023 at natapos ito sa unang kwarter ngayong taon.

Facebook Comments