Higit P13-M na insentibo, iginawad ng Palasyo sa mga medalist ng 4th Asian Para Games sa China

Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga Para Athletes na nag-uwi ng karangalan sa 4th Asian Para Games sa Hangzhou, China.

Sa awarding ceremony ng Para Games medalist sa Malacañang ngayong umaga, nasa kabuuang P13.45 million na halaga ng insentibo ang iginawad ng Palasyo sa mga para sa mga atleta.

Ang mga nagkamit ng gintong medalya ay nakatanggang ng P1 million, habang P500,000 naman ang silver medalist, at P200,000 ang bronze medalist.


Nabatid na nasa kabuuang 19 na medalya ang nauwi ng Pilipinas sa 4th Asian Para Games, kung saan 10 dito ang gold medal, apat ang silver, at limang bronze medal.

Nagtapos ang Pilipinas sa ika-9 na pwesto, sa kabuuang 44 na kalahok na bansa.

Ayon sa pangulo, inspirasyon para sa bawat Pilipino ang ipinakitang husay ng mga atleta at isang magandang imahe sa bansa na nagpapakita ng tapang ng mga Pilipino.

Facebook Comments