Higit P13 trillion na utang ng Pilipinas, posibleng tumaas pa kapag sinuspinde ang fuel excise tax

Posibleng tumaas pa sa mahigit P13 trillion ang utang ng Pilipinas kung isuspinde ang fuel excise tax.

Ayon kay Department of Finance (DOF) Spokesperson Asec. Paola Alvarez, nasa halos P106 billion ang mawawala sa pondo ng gobyerno kapag sinuspinde ang fuel excise tax at hindi ito mababawi sa iba pang pondo ng pamahalaan.

Nauna nang tinutulan ng DOF ang panukalang pansamantalang suspindihin ang excise tax sa langis kasunod ng patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo.


Matatandaang iniulat ng Bureau of Treasury (BTr) na lalo pang sumirit ang utang ng Pilipinas sa P12.03 trillion nitong Enero 2022.

Facebook Comments