Posibleng umabot sa P131.4 billion ang mawala sa revenue ng bansa para sa taong 2022 sakaling suspendihin ang oil excise tax.
Ito ang iginiit ng Department of Finance (DOF) kasunod ng mungkahi ng Department of Energy (DOE) na isertipika bilang urgent ang request na magbibigay sa ahensya ng kapangyarihan na suspendihin ang nasabing excise tax dahil sa sunod-sunod na oil price hike.
Ayon kay Finance Undersecretary for Revenue Operations Group Antonette Tionko, ang mungkahing ito ay dapat masusing pag-aralan dahil ang mawawalang revenue ay maaaring makaapekto ng malaki sa pondo ng gobyerno sa COVID-19 recovery measures.
Dagdag pa nito, posible lamang na masuspinde ang oil excise tax sa pamamagitan ng legislation kung kailangan ng batas para tuluyang ipatupad ang pagsuspinde rito.