
CAUAYAN CITY – Inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang Tumauini River Multipurpose Project noong ika-LABING SIYAM ng Marso sa Palasyo ng Malacañang.
Ang naaprubahang pondo para sa pagtatayo ng proyektong ito ay nagkakahalaga ng P13.948 billion.
Layunin ng proyekto na mabigyan ng patubig ang 8,200 ektarya ng lupang sakahan na makikinabang ang 5,860 na mga magsasaka mula sa mga bayan ng Tumauini, Cabagan, at Ilagan.
Kasama sa proyekto ang pagtatayo ng bagong dam at reservoir, pagpapabuti at pagpapalawak ng mga pasilidad ng irigasyon, pagpapalakas ng mga asosasyon ng irrigators (IA), at pagsulong ng agro-turismo.
Facebook Comments