HIGIT P141K HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA SA DALAWANG SUSPEK SA DAGUPAN CITY

Nakompiska sa dalawang suspek ang 20.8 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱141,440, sa ikinasang buy-bust operation kahapon, Enero, 28, sa Dagupan City.

Ayon sa ulat, kinilala ang mga nahuling suspek bilang isang 59-anyos na lalaki at 48-anyos na babae, na parehong residente ng lungsod.

Bukod sa droga, nasamsam din ang tatlumpong piraso ng 1,000 peso bill at ilan pang drug paraphernalias.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa mga pulis, bahagi ito ng tuloy-tuloy na kampanya ng Dagupan City Police laban sa droga upang mapanatili ang kaligtasan ng mga residente.

Kaugnay nito, pinayuhan din ang publiko na maging mapagmatyag at agad i-report ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments