Higit P15 billion na loan ng Pilipinas para sa pagtugon sa COVID-19 pandemic, inaprubahan ng World Bank

Inaprubahan ng World Bank (WB) ang $300 million o katumbas ng mahigit P15.07 billion na panibagong loan ng bansa.

Ayon sa WB, sakop ng loan ang pagbili at paghatid ng COVID vaccine para sa mga edad 12 hanggang 17.

Gagamitin din ang loan para pondohan ang bakuna para sa mga batang edad 12 pababa bilang parte ng muling pagbubukas ng mga paaralan at booster dose para sa mga healthcare worker at iba pa.


Sinabi ng WB na ang loan ay inaasahang magbibigay ng humigit-kumulang 27 milyong dose ng bakuna sa bansa.

Nauna nang inaprubahan ng WB noong Abril 2020 ang $100 milyon o higit P5.02 billion loan para sa Pilipinas at panibagong $500 milyon o higit P25.12 billion loan nitong Marso para sa pagtugon sa pandemya.

Facebook Comments