Nabisto ng mga security guard ang tangkang pagpuslit ng isang lalaki sa mga ninakaw na grocery items sa shopping center sa Calasiao, Pangasinan.
Ayon sa panayam ng IFM News Dagupan kay PLt. Noel Domalanta, Public Information Officer ng Calasiao Police Station, nilagay ng suspek ang mga grocery items sa kanyang bag ngunit napigilan ng mga security guards bago pa makalabas sa mall.
Minanmanan na rin umano sa CCTV ang kilos ng suspek habang nag-iikot sa loob ng mall.
Umabot sa P15, 555 pesos ang halaga ng item na nasa loob ng bag ng suspek.
Nai-turnover na sa pulisya ang suspek at sasampahan ng kasong pagnanakaw.
Facebook Comments








