Mahigit isang milyong pisong halaga ilegal na droga ang nasabat ng awtoridad sa loob ng isang araw.
Mula July 15 hanggang July 16, ikinasa ang labing-anim na operasyon kontra ilegal na droga kung saan labing pitong mga drug suspects ang naaresto.
Nakumpiska mula rito ang 162.69 gramo ng hinihinalang shabu at 21.90 gramo naman ng marijuana na nagkakahalaga ng P1, 108, 920.
Mas pinaiigting pa ng Police Regional Office 1 ang kampanya laban sa ilegal na droga sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







