HIGIT P1M, INILAAN SA PAGSASAAYOS NG KALSADA SA PARACELIS

CAUAYAN CITY – Naging matagumpay ang turn-over ceremony ng bagong sementadong daan sa Sitio Turod Access Road, Palitud, Paracelis, Mountain Province.

Ang proyektong ito, na may kabuuang pondo na Php 1,273,507.50, ay may sukat na 6 metro ang lawak at 70 metro ang haba.

Ang bagong daan ay magbibigay ng malaking benepisyo sa lokal na komunidad, partikular sa mga magsasaka. Mapapabilis nito ang transportasyon ng kanilang mga produkto patungo sa bayan, na inaasahang magpapadali sa kalakalan at magpapataas sa kanilang kita.


Nagpaabot ng pasasalamat ang Lokal na Pamahalaan sa mga sumuporta sa proyekto, kabilang ang m

Mga Barangay Officials, Community Volunteers, Barangay Local Government Unit (BLGU).

Ang dedikasyon at pagtutulungan ng lahat ay naging mahalagang susi upang maisakatuparan ang proyekto, na magdadala ng mas magandang oportunidad para sa komunidad ng Paracelis.

Facebook Comments