Tinanggap ng 289 na nasalantang magsasaka sa Bayambang ang indemnity checks mula sa Philippine Crop Insurance Corporation bilang kabayaran sa mga iniulat na napinsalang pananim mula sa mga nagdaang bagyo.
Sa tulong ng lokal na pamahalaan, naipamahagi ang 295 indemnity checks sa mga farmer-claimants na may halagang 2,336,951.10 pesos.
Layunin ng matulungan sa muling pagbangon ang mga magsasaka sa pamamagitan ng tinanggap na insurance claims.
Matatandaang noong mga nakaraang buwan, nauna nang nakatanggap ng indemnity checks ang 1,016 magsasaka na may kabuuang halagang 11,253,219.57 pesos bilang bahagi ng patuloy na implementasyon ng crop insurance program ng korporasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









