Cauayan City, Isabela-Matagumpay na nasira at nasunog ng mga kasapi ng Provincial Intelligence Unit/Drug Enforcement Unit (PIU/DEU) Kalinga Provincial Police Office, Tinglayan MPS, Lubuagan MPS, 2nd KPMFC, 1503rd RMFB, at anti-narcotics agents’ ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Kalinga Provincial Office ang 1,100 squaremeter na taniman ng Marijuana.
Ayon sa report, 11,600 fully grown marijuana plants na aabot sa P2,320,000.00 ang nadiskubre ng mga awtoridad sa Barangay Buscalan, Tinglayan, Kalinga kahapon, Enero 28.
Ito ay sa kabila ng maigiting na kampanya kontra iligal na droga at ang paglinis sa mga apektadong barangay sa Tinglayan.
Ayon kay PCol Davy Vicente Limmong, mas nagiging mapamaraan ang mga tao na naitatago ang marijuana kasama sa ilang tanim na gulay.