Higit P2 milyong tulong, naipamahagi na ng DSWD sa mga naapektuhan ng Bagyong Karding

Naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mahigit P2 milyong tulong sa mga lugar na apektado ng pananalasa ng Bagyong Karding.

Ayon kay DSWD Spokesperson Romel Lopez, P1.7 milyon sa nasabing halaga ay mula mismo sa ahensya, habang ang P876,000 ay mula sa Local Government Units (LGUs) at iba pang partners.

Dagdag pa ni Lopez, nasa P1.1-bilyong budget naman ang inilaan ng DSWD para sa disaster response.


Nakatutok aniya ang relief and assistance efforts ng ahensya sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Mimaropa, Bicol Region, National Capital Region (NCR) at Cordillera Administrative Region (CAR).

Samantala, kinumpirma rin ni Lopez na makatatanggap ng P5,000 hanggang P10,000 cash assistance ang mga naapektuhan ng Bagyong Karding sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng DSWD.

Facebook Comments