Tuloy-tuloy ang paghahanda ng pamahalaan sa posibleng maging epekto ng Bagyong Julian sa bansa.
Ayon sa Malacañang, may nakastandby na ang mahigit 263,000 family food packs na katumbas ng 242.53 million pesos sa Northern Luzon.
Nakahanda na rin ang higit 75,000 food packs na rin na nagkakahalaga ng 56.13 million pesos sa Ilocos Region, at higit 123,000 food packs na nagkakahalaga ng 136.15 million pesos para sa Cagayan Valley.
Habang nasa 64,000 food packs naman na nagkakahalaga ng 50.24 million pesos ang nakapreposition para sa Cordillera Administrative Region.
Sa kasalukuyang nakataas na ang tropical cyclone wind signals sa malaking bahagi ng Hilagang Luzon dahil sa epekto ng Bagyong Julian.
Facebook Comments