HIGIT P200K, INILAAN SA STREET LIGHTS

CAUAYAN CITY- Natapos na ang paglalagay ng mga street lights sa madidilim na bahagi ng Brgy. Rogus, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Punong Barangay Faustino Gapasin Jr., dalawampu’t limang piraso ng street lights ang inilagay sa kanilang lansangan.

Aniya, mahigit dalawang daang libong piso ang inilaang badyet para sa proyektong ito.


Ito ay isa sa prayoridad na proyekto ng Barangay dahil madalas nakakaranas ng brownout sa kanilang lugar kung saan magbibigay liwanag ito sa mga kabahayan na malapit sa lansangan.

Samantala, inaasahang malalagyan ng karagdagang street lights ang madidilim na bahagi ng Brgy. Rogus sa mga susunod na buwan.

Facebook Comments