Nakatakdang ipamahagi sa limang government-run hospital sa lalawigan ng Pangasinan ang higit P21-Milyong halaga na medical assistance mula sa ilalim ng programa ng Department of Health – Center for Health Development Region 1 para sa mga indigent na pasyente sa lalawigan.
Sa naging sesyon kahapon, ika-29 ng Mayo sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan, tinalakay ang isang provincial resolution na Implementasyon ng pamamahagi ng medical assistance para sa mga indigent na pasyente sa lalawigan o MAIP program ng DOH-CHD1.
Kabuuang P21, 658, 000 halaga ng assistance ang nakatakdang ipamahagi sa limang government-run hospital kung saan ang Pangasinan Provincial Hospital sa San Carlos City ay makakatanggap ng halagang P11, 564, 000, Urdaneta District Hospital ay mayroong alokasyong P7, 154, 000, Bayambang District Hospital na may pondong P1, 470, 000, Pozorrubio Community Hospital ay may P980, 000 at Lingayen District Hospital na tatanggap naman ng P490, 000.
Ayon kay Pangasinan Vice Governor Mark Lambino, ang mga naunang hospital na nabanggit ay ang mga hospital na unang nakapagpasa o natapos ang kanilang mga requirement upang makatanggap ng naturang tulong.
Dagdag pa niya, sakaling matapos na rin ang mga dokumento ng ibang hospital sa ilalim ng gobyerno ay muling magpapalabas ng panibagong resolution para sa kanila.
Aniya pa ang inisyal na pondong ito para sa limang hospital ay ni-request ng bawat ospital.
Sinuguro naman ng opisyal na lahat ng labing-apat na pampublikong hospital ay makakatanggap ng naturang Sinuguro naman ng opisyal na lahat ng labing-apat na pampublikong hospital ay makakatanggap ng naturang alokasyon.
Idinagdag pa ni Lambino na mayroong naganap na commitment sa opisina ni Sen. Bong Go na lahat ng labing-apat na hospital ay makakatanggap ng tig-P2-Million na tulong para sa mga ito at para sa lahat ng indigent na pasyente sa probinsya.

Facebook Comments