Saturday, February 28, 2026

Higit P216-M pisong fake na mga footwear, nasamsam sa Pampanga

Nasamsam ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Pampanga Provincial Field Unit, kasama ng Apalit Municipal Police Station ang mahigit 216 milyong pisong halaga ng mga fake na mga footwear sa Brgy. Balucuc, Apalit, Pampanga.

Isinilbi ng mga operatiba ang search warrant sa production warehouse sa loob ng isang industrial compound.

Narekober sa lugar ang 181 na mga kahon ng counterfeit rubber footwear,30 sako ng rubber resin raw materials na ginagamit sa manufacturing at 4 na sets ng heavy machine na ginagamit para sa reproduction ng nasabing footwear.

Habang ang suspek sa likod nito na si alyas “Geraldine” ay kasalukuyang at large at wala habang ang isinasagawa ng implementasyon ng search warrant.

Nahaharap sa kasomg paglabag sa RA No. 8293 o ang Intellectual Property Code of the Philippines ang nasabing suspek.

Kaugnay nito, ang mga nasamsam na mga counterfeit na mga produkto ay naka-set na para sa tamang disposal ng isang accredited waste management facility.

Facebook Comments