Higit P26 na bilyong tulong, naihatid sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal – NDRRMC

Umabot na sa higit 26 na milyong piso ang ibinigay na tulong ng gobyerno sa mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.

Sa datos ng NDRRMC, nasa 26,591,320 pesos na halaga ng tulong mula sa DSWD, DOH, DepEd, at iba pang local government agencies ang naipahatid sa mga evacuees.

Aabot sa 68,439 na pamilya o 271,278 na indibidwal ang apektado sa Calabarzon Region.


Mula sa naturang bilang, 38,906 na pamilya o 148,514 ang nananatili sa 497 evacuation centers.

Aabot naman sa 3.22 billion pesos ang pinsala sa agrikultura sa Batangas, Laguna at Cavite.

Sa ngayon, nananatiling nakataas ang alert level 4 o imminent hazardous eruption sa Bulkang Taal.

Facebook Comments