Higit P27-B na unpaid health emergency allowance ng mga health worker, posibleng maibigay na ngayong taon

Posibleng maibigay na ng pamahalaan ang nakabinbing health emergency allowance ng mga health worker ngayong taon.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa, na nasa P27.7 billion ang kailangang budget para dito.

Nabanggit din aniya sa cabinet meeting kahapon na hindi na isinama ang unpaid allowances sa panukalang 2025 budget sa ilalim ng National Expenditure Program.


Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, hindi na ito mahuhugot sa 2023 budget dahil unprogrammed allowance ito kung kaya’t kaya na itong ibigay ngayong taon.

Nauna nang nag-commit ang Department of Budget and Management (DBM) na maibibigay nila ito sa taong 2025, ngunit may posibilidad na maibigay ito ngayong taon.

Facebook Comments