
Isinuko ng isang lalaki ang kahina-hinalang bag na natagpuan sa gitna ng daan na natuklasang naglalaman ng illegal na droga sa Brgy. Magsaysay, Alaminos City.
Salaysay nito sa awtoridad, nakasilid ito sa isang berdeng eco bag at iniuwi pa sa kanilang tahanan ngunit tumambad dito ang pakete ng isang Chinese Tea na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Isinangguni ng lalaki ang naturang pakete sa barangay council na kalaunan ay naisuko sa kapulisan.
Tinatayang may bigat na 501 gramo ang hinihinalang shabu ang laman ng bag at may kabuuang halaga na P3,406,800.
Ayon kay Pangasinan PPO Acting Provincial Director PCOL Ricardo M David, patunay ang insidente ng aktibong pakikipag-ugnayan ng mga sibilyan sa mga awtoridad upang paigtingin ang kampanya illegal na droga.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente at nasa kustodiya na ng awtoridad ang kontrabando para sa tamang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









