Higit P3-M na halaga ng Tanim na Marijuana, Sinira sa Benguet at Kalinga

Cauayan City, Isabela- Umaabot sa mahigit P3.3 milyon pesos na halaga ng tanim na marijuana ang nadiskubre ng mga awtoridad sa tatlong plantation sites sa magkahiwalay na lugar ng Kalinga at Benguet.

Base sa ulat ng mga awtoridad, dalawang plantasyon ng marijuana ang nadiskubre sa Barangay Bugnay, Tinglayan, Kalinga at isa naman sa Kibungan, Benguet.

Umabot naman sa 12,000 piraso ng fully grown marijuana plants mula sa 1,000 square meters na lawak ng lupain ang nadiskubre ng mga kinauukulan na nagkakahalaga ng P2.4 milyon pesos habang 4,500 piraso ng tanim na marijuana ang nadiskubre naman at nagkakahalaga ng P900,000 mula sa 500 square meters na lawak ng taniman sa Brgy. Bugnay, Tinglayan, Kalinga.


Bukod dito, nadiskubre rin sa Sitio Topinao, Madaymen, Kibungan, Benguet ang 50 piraso ng marijuana plants na nagkakahalaga ng P10,000 mula sa isang pampublikong lupain na tinatayang may lawak na 50 square meters.

Sa kabuuan, pumalo sa 16,550 piraso ng tanim na marijuana ang sinira at pinagsusunod ng mga awtoridad.

Facebook Comments