Higit P3 taas-presyo sa diesel, ipatutupad ng mga oil company bukas!

71

Kasado na bukas, June 21, ang panibagong oil price hike ng mga kumpanya ng langis.

Epektibo alas-6:01 ng umaga, magpapatupad ng P3.10 na taas-presyo sa kada litro ng diesel ang Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines.

Habang P0.80 naman sa gasolina at P1.70 sa kerosene.


Kaparehong increase ang ipatutupad ng Cleanfuel maliban sa kerosene na epektibo naman alas-8:01 ng umaga.

Mamayang hapon, inaasahang mag-aanunsyo na rin ng kani-kanilang oil price adjustment ang iba pang kumpanya ng langis.

Facebook Comments