Higit P30-B na pondo para sa school rehabilitation project ng DepEd, inaprubahan na ng NEDA board

 

Lusot na sa National Economic and Development Authority (NEDA) Board na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang P30.5 billion na pondo ng Infrastructure for Safer and Resilient Schools Project para sa pagkumpuni ng mga pasilidad ng mga eskuwelahan sa labas ng Metro Manila na nasira ng mga kalamidad.

Ayon sa Presidential Communications Office, popondohan ang proyekto sa pamamagitan ng official development assistance (ODA) loan mula sa World Bank, at ipapatupad ng Department of Education at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa kabuuang halaga ng proyekto, ang P27.50 bilyon ay manggagaling sa loan proceeds habang mula naman sa national government ang P3.06 bilyon.


Aarangkada ang I-S-R-S Project mula 2025 hanggang 2029 kung saan kabilang sa mga isasagawa ang repair, rehabilitation, retrofitting, at reconstruction.

Tinatayang nasa 1,282 schools, 4,756 school buildings, 13,101 classrooms, at 741,038 learners ang makikinabang sa naturang proyekto.

Facebook Comments