Higit P30-M halaga ng smuggled na sigarilyo, nakumpiska ng Bureau of Customs

Nakumpiska ng Bureau of Customs-Manila International Container Port (MICP) ang nasa higit 30 milyong pisong halaga ng smuggled na sigarilyo.

Ang nasabing kargamento na nasa 1,090 kahon ay nadiskubre sa isinagawang eksaminasyon kung saan hindi sapat o kulang ang mga dokumento ng mga ito.

Nabatid na ang mga naturang sigarilyo ay nakapangalan sa Green Nature Alliance Ventures na nagkaroon ng paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at sa regulasyon na ipinatutupad ng National Tobacco Authority (NTA).


Kasalukuyan nang inaalam ng Customs kung paano nakapasok sa MICP ang ilegal na kargamento at sino ang nagproseso nito.

Ipapatawag din ng BOC ang nabanggit na kumpaniya para malaman ang paliwanag nito at kung saan nila nakuha ang mga sigarilyo.

Ang hakbang ng Customs ay bilang bahagi ng pinaigting na anti-smuggling operations sa ilalim na rin ng pamamahala ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

Facebook Comments