Higit P30-milyong halaga ng Marijuana, Sinira sa Mt. Province

Cauayan City, Isabela- Sinira ng mga awtoridad ang nasa 152,000 na piraso ng fully grown marijuana plants mula sa 15,200 square meters na lupain sa Mount Paras, Saclit, Sadanga, Mt. Province.

Ang naturang operasyon ay sa ilalim ng Operational Plan (Oplan) Herodotus.

Sanib-pwersa itong sinira ng mga tauhan ng Sadanga Municipal Police Station,Provincial Headquarter-Mountain Province Police Provincial Office, Mountain Province Police Provincial Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion 15, 143 Special Action Company, 14 Special Action Battalion-Special Action Force, Bontoc Municipal Police Station, Regional Intelligence Division-Police Regional Office-Cordillera, at Philippine Drug Enforcement Agency- Mountain Province.


Umabot naman sa tinatayang mahigit P30 milyon ang halaga ng tanim na marijuana sa lugar.

Sabay-sabay rin na pinagsusunog ng mga awtoridad ang sinirang tanim na marijuana habang ang ilang piraso nito ay ipinasakamay naman sa provincial crime laboratory para sa isasagawang pagsusuri.

Facebook Comments