Higit P300-M na Halaga ng Marijuana, Nasamsam at Sinira sa Kalin

Cauayan City, Isabela-Nadiskubre at pinagsisira ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency, National Bureau of Investigation, PNP Cordillera, at 503rd Infantry Brigade ang taniman ng marijuana sa iba’t ibang bahagi ng Tinglayan, Kalinga sa kanilang isinagawang apat na araw na operasyon.

Ayon sa report ng mga awtoridad, umabot sa 1,577,500 ang kabuuang bilang ng tanim na marijuana na sinira habang 102,000 grams ng dried marijuana leaves ang nasamsam; 86,000 grams ng marijuana seeds; 20,000 grams ng marijuana fruiting tops, at 15,000 grams ng marijuana stalks mula sa labing-isang (11) taniman sa Barangay Tulgao, 12 plantasyon sa Barangay Loccong at dalawang plantasyon sa Barangay Butbut, lahat ay pawang mga sa bayan ng Tinglayan.

Ayon kay Brigade Commander BGen.Santiago Enginco ng 503rd Infantry Brigade, binunot at sinunog ang nakatanim na marijuana mula sa 121,300 square meters na lawak ng lupain.

Pababantayan naman aniya ang lugar upang makatiyak na makakaiwas ang paglago ng mga posibleng patagong itinatanim na marijuana.

Kamakailan lang ay naaresto ang tatlong suspek kabilang ang isang menor de edad matapos mahuli sa aktong binubunot ang mga nakatanim na iligal na droga habang nasamsam sa kanilang pag-iingat ang isang cal. 22, isang cal. 9mm, isang 12-gauge ARMSCOR shotgun, dalawang magazines na may lamang bala.

Samantala, ayon kay MGen. Laurence E Mina, ang Commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army, laging handa ang tropa ng militar sa anumang uri ng operasyon para na rin sa tagumpay ng anti-criminality at illegal drugs ng PNP.

Facebook Comments