
Dalawang magkahiwalay ngunit matagumpay na anti-illegal drug operation ang isinagawa ng Bayambang Municipal Police Station katuwang ang iba pang ahensya kahapon, December 7, 2025.
Unang operasyon ang isinagawa na nagresulta sa pag-aresto ng isang 35-anyos na lalaki na residente sa bayan.
Nasamsam mula sa suspek ang 2.8 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang ₱19,040.00, nakapaloob sa dalawang pakete at pati na ang isang ₱500 bill na ginamit sa transaksyon.
Sumunod naman ang ikalawang buy-bust operation sa parehong araw, na nagresulta sa pag-aresto ng isang 27-anyos na magsasaka.
Nakumpiska mula sa suspek ang 1.66 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱11,288.00, nakalagay sa limang pakete na pag-mamay-ari at ibebenta ng suspek.
Patuloy na iniimbestigahan ang dalawang akusado habang nasa kustodiya ng awtoridad ang mga nakumpiskang ebidensiya para sa kaukulang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









