
Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Manila ang higit P34 milyon halaga ng mga smuggled na produktong agrikultura mula sa China.
Ito’y kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na paigtingin ang kampanya kontra agricultural smuggling.
Ayon sa BOC, idineklarang assorted food items gaya ng mantou, noodles, at kimchi ang mga kargamento ngunit nang inspeksyunin noong Hunyo 10, tumambad ang mga red onions, white onions, at frozen mackerel na walang tamang import permits.
Inisyu noong Hunyo 23 ang Warrant of Seizure and Detention para sa mga kargamento dahil sa misdeclaration at paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.
Ang mga agricultural product na nakumpiska ay isasailalim sa inspeksyon para matukoy kung maaari pa itong mapakinabangan.









