Naibigay na ng Pamahalaang Panlalawigan ng La Union ang partial revenue share sa lokal na pamahalaan ng Bauang at dalawa pang barangay mula sa pinagbentahan ng 1590 Energy Corporation, isang diesel power plant sa bayan.
Nagkakahalaga ng P34 milyon ang partial share ng lokal na pamahalaan habang P5 milyon naman para sa Brgy. Payocpoc Sur, kung saan mismong matatagpuan ang planta, at P157,798 naman para sa Brgy. Bucayab.
Aminado ang tanggapan na naging mahaba ang proseso bago ito naibigay sa mga nabanggit na lugar.
Matatandaan na bahagyang naging kontrobersyal ang naturang distribusyon ng revenue share matapos ang pahayag mula sa dating gobernador na naibigay na ito ngunit tinutulan naman ng ilang mambabatas.
Inaasahan naman ang pagbubukas ng mas marami pang opurtunidad sa mga residente sa Bauang kasunod ng pagkakatanggap ng kanilang revenue share.










