Nasamsam ng Police Regional Office 1 ang nasa higit tatlong milyong pisong halaga ng iligal na droga sa tuloy tuloy na operasyon sa loob ng isang linggo.
Mula sa apatnapung operaayon noong October 2 hanggang October 8, 2025,nakumpiska ang nasa 455.45 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng nasa 3,097,080.40 pesos at 49.08 gramo ng tuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng 5,889.60 pesos.
Nagresulta rin ito sa pagkakaaresto ng apatnaput walong indibidwal na sangkot sa ilegal na droga kabilang dito ang labindalawang High Value Individuals at tatlumpu’t tatlong Street level Individual habang ang isa naman ay kusang sumuko.
Giit ni PRO1 Regional Director PBGen Dindo Reyes na patuloy ang kanilang operasyon at kampanya upang masawata ang pinagmumulan ng ilegal na droga at titiyakin na mapapanagot sa batas ang mga pasimuno para sa kaligtasan ng komunidad.









